Patakaran sa Privacy ng EasyShare


Minamahal na User,
Iginagalang ng vivo Communication Co., Ltd. at ng mga pandaigdigang subsidiary nito (na tatawagin sa dokumentong ito bilang "vivo", "kami", "namin", o "amin") ang iyong privacy, at gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para maprotektahan ang iyong personal na impormasyon. Ang Patakaran sa Privacy ng EasyShare ("ang Patakarang ito") ay nalalapat sa pagkolekta, pagproseso, pag-store, pag-transmit, at pagprotekta sa impormasyon ng user ng EasyShare app (ang app na ito at ang mga nauugnay nitong content ay sama-samang tinatawag na "ang Serbisyong ito"). Mangyaring basahin, unawain, at sang-ayunan ang Patakarang ito bago gamitin ang Serbisyong ito. Partikular kang pinapaalalahanang basahin ang content na naka-bold.
Sa pamamagitan ng paggamit sa Serbisyong ito, nabasa, sinasang-ayunan, at tinatanggap mo ang lahat ng tuntunin sa Patakaran sa Privacy na ito. Gagamitin at poprotektahan namin ang iyong impormasyon para sa pangangailangan at kaayusan ng pagbibigay ng Serbisyong ito alinsunod sa mga inaatas ng Patakaran sa Privacy na ito.

1. Pagpapasa ng content ng user
(1) Kinikilala mong ginagamit ang Serbisyong ito para mag-transmit ng mga contact, SMS message, log ng tawag, kalendaryo, app, note, larawan, musika, video, recording, setting, at iba pang content na sinusuportahan ng Serbisyong ito (na sama-samang tinatawag na "content ng user") sa device na ito papunta sa ibang inawtorisahang device nang harapan.
(2) Kapag nagpasa ka ng partikular na uri ng content ng user (halimbawa, mga larawan sa iyong device) sa unang pagkakataon, hihilingin namin ang iyong paunang awtorisasyon para i-access ang content na ito.
(3) Ang ilang content ng user ay ipapakita sa interface ng Serbisyong ito sa pamamagitan ng mga larawan, abstract, o mahahawakang anyo. Ang content na ipapakita ay random na mabubuo at maa-update batay sa content ng user na naka-store sa iyong device.
(4) Maipapasa lang ang content ng user sa partikular na device na inawtorisahang makatanggap nito sa iisang pagkakataon ng pag-transmit. Tutulong lang kaming i-transmit ang content ng user sa iba't ibang device, at hindi namin ito kokolektahin mula sa iyo o tatanggapin, kukunin, ipoproseso o gagamitin sa anumang paraan.

2. Impormasyong kinokolekta namin
(a) Impormasyon ng iyong device: Kapag ginamit mo ang Serbisyong ito sa isang partikular na device, maaari naming kolektahin ang partikular na impormasyon mula sa device na ito, kasama ang IMEI at/o iba pang identifier ng device, modelo ng device, pangalan ng device, at bersyon ng system. Ginagamit ang nasabing impormasyon para mabilis na matukoy ang mga error, mabigyan ka ng functional na feature sa pagbibigay ng feedback, at malaman ang bersyon at modelo ng iyong device para makapagsagawa ng mga napapanahong pagpapahusay ng produkto at makapagbigay ng mga prompt sa pag-update o ng serbisyo ng awtomatikong pag-update.
(b) IP address: Kapag ginamit mo ang Web Share at iba pang nauugnay na function, kailangan naming kunin ang iyong IP address na kinakailangan para ma-enable ang function, at gagamitin ang nasabing impormasyon sa LAN na koneksyon at mga layunin ng pag-verify sa server. Kukunin lang namin ang nasabing impormasyon kapag gumamit ka ng mga nauugnay na function.
(c) MAC address: Kapag ginamit mo ang function na Multi Screen at kumonekta ka sa pamamagitan ng paghahanap sa PC, kailangan naming kunin ang MAC address ng iyong device (gagamitin lang ang nasabing impormasyon sa iyong device at hindi ito ia-upload sa server).
(d) Impormasyon ng iyong log: Habang ginagamit mo ang Serbisyong ito, kokolektahin namin ang impormasyon ng log na nagawa ng Serbisyong ito, kasama ang pero hindi limitado sa tagal ng paggamit, laki ng na-transmit na data, uri ng data, at ang pangalan ng package ng natukoy na app (kung naaangkop). Ang impormasyon ng log na kokolektahin namin mula sa iyo ay gagamitin lang para maibigay ang mga pangunahing serbisyo at masuri ang mga kasalukuyan at potensyal na isyu sa panahon ng paggamit mo sa Serbisyong ito. Hindi ito magagamit para makilala ka.
(e) Impormasyon sa iyong paggamit: Kapag nakakonekta ang iyong device sa Wi-Fi network o anupamang libreng network, mangongolekta kami paminsan-minsan ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng Serbisyong ito, kasama ang, pero hindi limitado sa mga pag-redirect ng page at mga operation gaya ng pag-tap, setting, at paglabas sa app. Gagamitin lang ang impormasyon sa paggamit para i-track at suriin ang paggamit ng user sa Serbisyo, para mapahusay namin ang aming mga produkto at serbisyo at mapaganda ang karanasan ng user. Hindi namin gagamitin ang impormasyong ito para makilala ang mga partikular na indibidwal, at hindi rin kami magsasagawa ng anumang paghuhusga sa intensyon o pagsusuri sa mga gawi.

3. Mga Pahintulot
Kailangan ng Serbisyong ito ng ilang pahintulot sa device para ma-enable ang mga function nito. Tingnan ang mga partikular na pahintulot at ang mga layunin sa pag-awtorisa sa ibaba:
(a) Bluetooth/Wi-Fi: Kinakailangan ang pahintulot sa Bluetooth/Wi-Fi para matuklasan at maipares ang mga device.
(b) Network: Kinakailangan ang pahintulot sa network para ma-update o ma-upgrade ang bersyon ng Serbisyo.
(c) Pag-enable/pag-disable sa mobile network: Kapag ginamit ang function na Pag-clone ng Telepono, kailangan mong mag-setup ng hotspot na koneksyon. Para maiwasan ang pagkonsumo ng data ng inawtorisahang device, maaari naming i-disable ang mobile network ng iyong device.
(d) Lokasyon: Kinakailangan ang pahintulot ng lokasyon para makuha ang MAC address ng iyong telepono para sa Bluetooth at Wi-Fi discovery.
(e) SMS/Mga Contact/Mga log ng tawag: Kapag ginamit ang function na Pag-clone ng Telepono, kailangan mong i-enable ang read/write access sa iyong SMS/mga contact/log ng tawag para ma-transmit ang nasabing content sa iba't ibang device at maalis ang mga duplicate.
(f) Pa-record ng audio: Kapag ginamit ang function na Pag-mirror ng Screen, kailangan mong i-enable ang pahintulot sa pag-record ng audio para i-record ang tunog sa screen at i-mirror ito nang real time (hindi mare-record ang ambient na tunog).
(g) Pag-record ng screen: Kapag ginamit ang function na Pag-mirror ng Screen, kailangan mong i-enable ang pahintulot sa pag-record ng screen para i-record ang screen at i-mirror ito nang real time.
(h) Camera: Kapag ini-scan ang QR code sa pagkonekta ng device at pag-transmit ng content, o kapag nagtakda ng iyong larawan sa profile sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan at pag-upload nito, kailangan mong i-enable ang pahintulot sa camera.
(i) Notification: Kung gagamitin mo ang function na Multi Screen at ie-enable ang mga notification, kailangan mong i-enable ang pahintulot sa notification.
(j) Telepono: Kung gagamitin mo ang function na Multi Screen at tatanggap ka ng mga tawag sa pamamagitan ng PC, kailangan mong i-enable ang pahintulot ng telepono.
Ang mga pahintulot sa itaas ay mae-enable lang para matukoy ang mga kaukulang function ng Serbisyong ito. Pakitiyak na hindi ia-access ng Serbisyong ito ang iyong mga pahintulot kapag hindi mo ginagamit ang mga function ng Serbisyong ito.

4. Pagbabahagi
Ang pagbabahagi ay tumutukoy sa pagbibigay ng iyong personal na impormasyon sa iba pang controller ng personal na impormasyon, kung saan ang magkabilang partido ay may hiwalay na kontrol sa personal na impormasyon. Bilang pagsunod sa mga inaatas ng mga batas at regulasyon, ang impormasyong makukuha namin mula sa iyo ay maaaring ibahagi sa mga sumusunod na pagkakataon:
(a) Ibahagi sa mga stakeholder ng vivo: Para ma-enable ang mga kinakailangang serbisyo makapagsagawa ng komprehensibong pag-audit at pagsusuri, puwede naming ibahagi ang impormasyong nakolekta mula sa iyo sa aming mga affiliate o sa loob ng vivo.
(b) Ibahagi sa mga awtorisadong partner: Puwede naming ihayag ang ilan sa iyong hindi personal na impormasyon sa mga awtorisado naming partner kapag kinakailangan para ma-enable ang Serbisyong ito o ang mga nauugnay na serbisyo ng EasyShare na ginagamit mo. Ang nasabing impormasyon ay hindi iuugnay sa identifier ng iyong device o gagamitin para makilala ka.

5. Paghahayag
Sa pangkalahatan, ang personal na impormasyon ay hindi dapat ihayag sa publiko. Gayunpaman, puwede naming ihayag ang ilan sa iyong personal na impormasyon nang walang paunang pahintulot mo ayon sa mga batas at regulasyon o ayon sa iniaatas ng hukuman o ahensya ng pamahalaan na dapat isagawa ang kaukulang obligasyon. Bukod pa riyan, maigting naming poprotektahan ang seguridad ng iyong personal na impormasyon at hindi namin ito ihahayag sa anumang third party na walang kaugnayan.

6. Pagproseso sa data ng mga menor de edad
Lubos naming pinagtutuunan ang pagprotekta sa privacy ng mga menor de edad at hinihikayat ang mga magulang/tagapag-alaga na aktibong pagtuunan ang mga aktibidad at libangan ng mga menor de edad. (Ang edad ng mga menor de edad ay tinutukoy alinsunod sa mga batas ng iyong bansa at sa mga kagawiang pangkultura ng bawat bansa at rehiyon.) Hindi namin tina-target ang mga menor de edad bilang mga user, at hindi sadyang kokolektahin ang data ng mga menor de edad. Kung malalaman mo (ang magulang/tagapag-alaga) na ang personal na data ng iyong menor de edad ay nakolekta nang walang paunang pahintulot mo, makipag-ugnayan sa amin para ipa-delete ito, at tiyaking mag-a-unsubscribe ang menor de edad o ihihinto ang paggamit sa mga nauugnay na serbisyo.

7. Cross-border na transmisyon
Ang personal na impormasyong makokolekta at magagawa sa People's Republic of China sa pamamagitan ng Serbisyong ito ay maso-store sa People's Republic of China at walang kaugnay na cross-border na transmisyon. Kung kinakailangan ang cross-border na pagproseso ng data para sa Serbisyong ito, mahigpit naming susundin ang mga inaatas ng mga batas, pang-administratibong regulasyon, at mga nauugnay na awtoridad, at ipapaalam muna namin sa iyo ang mga detalyadong layunin, lokasyon ng transmisyon, at teknikal na hakbang sa proteksyon para makuha ulit ang iyong tahasang pagpapahintulot.

8. Seguridad at proteksyon sa impormasyon
Poprotektahan namin ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng mga makatuwirang hakbang at programa sa seguridad, kasama ang, pero hindi limitado sa mga panseguridad na pagsusuri, at tool at software sa pag-encrypt. Mga network administrator at nauugnay na personnel lang na kailangang makaalam ng data ang may internal na access sa nakolektang data. Kung ihihinto namin ang pagpapatakbo sa Serbisyong ito o ihihinto mo ang paggamit sa Serbisyong ito, hindi na namin kokolektahin o gagamitin ang anuman sa iyong impormasyon, at gagawin naming anonymous o ide-delete namin ang impormasyon mong sino-store namin.

9. Pamamahala ng impormasyon
(1) Puwede mong tawagan ang aming customer service o puwede kang pumunta sa vivo.com para makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng mga online service agent namin para magsumite ng kahilingang kunin, baguhin, o i-delete ang iyong personal na impormasyon. Upang mas mahusay na maprotektahan ang seguridad ng iyong personal na impormasyon, posible naming i-verify ang iyong pagkakakilanlan bago tanggapin ang iyong kahilingan para matiyak na gagawin ng taong nagmamay-ari ng personal na impormasyon o ng awtorisado niyang kinatawan ang paghiling. Pakitiyak na ang iyong kahilingan ay partikular at maaaksyunan. Sisikapin naming matugunan ang mga tinanggap na kahilingan sa loob ng 15 araw na may pasok.
(2) Maaari naming baguhin ang saklaw ng iyong personal na impormasyong inaawtorisahan mo para patuloy na kolektahin o bawiin ang iyong pagpapahintulot sa pamamagitan ng pag-disable sa mga nauugnay na function sa iyong device o pakikipag-ugnayan sa amin. Tandaang ang pagsasagawa ng ilang function ng serbisyo ay nangangailangan ng ilang partikular na pangunahing personal na impormasyon. Matapos mong bawiin ang iyong pagpapahintulot o awtorisasyon, hindi na namin maibibigay sa iyo ang nauugnay na serbisyo, o kaya ay mapoproseso ang iyong nauugnay na personal na impormasyon. Gayunpaman, ang pagbawi ng iyong pahintulot o awtorisasyon ay hindi makakaapekto sa pagproseso ng personal na impormasyong nakaraang isinagawa batay sa iyong awtorisasyon.

10. Disclaimer
Isinasaad sa Patakaran sa Privacy na ito ang mga pamantayan sa pagprotekta ng vivo sa pribadong data. Mahigpit na susundin ng vivo ang mga nasabing pamantayan at gagawin nito ang lahat ng naaangkop at posibleng hakbang para protektahan ang iyong personal na impormasyon at seguridad ng data. Gayunpaman, pakitandaan at pakiunawang hindi makokontrol ng vivo ang lahat ng salik o kung paano kinokolekta at ginagamit ng mga third party ang iyong impormasyon at data, at hindi maiiwasang magkaroon ng mga pagkakamali sa anumang hakbang. Samakatuwid, hindi namin magagarantiyang hindi maihahayag ang iyong data at impormasyon sa anumang sitwasyon. Ang Patakaran sa Privacy na ito ay nalalapat lang sa kung paano kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi ng vivo ang impormasyon, pero hindi sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng mga third party o kung paano kinokolekta, ginagamit, ibinabahagi ng mga third party ang impormasyon. Hindi kami nagbibigay ng garantiya tungkol sa pagkolekta at/o paggamit ng iyong impormasyon at data ng mga third party, at wala kaming pananagutan sa impormasyon at data leakage na hindi nauugnay sa vivo.

11. Tungkol sa Patakarang ito
May karapatan ang vivo na i-update o baguhin ang Patakarang ito sa paglipas ng panahon. Sa oras na mabago ang mga tuntunin ng Patakaran sa Privacy na ito, dapat ipakita ng vivo ang na-update na bersyon sa mga nauugnay na page. Kung ang mga pagbabago sa mga tuntunin ay may malaking epekto sa iyong mga interes, aabisuhan ka namin sa kapansin-pansing paraan o hihingin ulit ang iyong pahintulot. Ang iyong paggamit at patuloy na paggamit ng Serbisyong ito ay nangangahulugang sumasang-ayon ka sa Patakarang ito at sa mga update nito. Kung hindi ka sang-ayon sa Patakarang ito, huwag gamitin ang Serbisyo o paki-disable ang Serbisyo sa iyong device. Mahahanap mo ang pinakabagong bersyon ng Patakarang ito sa mga setting ng iyong device.

12. Makipag-ugnayan sa amin
Kung mayroon kang anumang tanong, komento, o suhestyon, tumawag sa aming hotline ng serbisyo sa customer sa 400-678-9688, o pumunta sa https://www.vivo.com para makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng mga online service agent namin.
Kung hindi ka masisiyahan sa aming sagot o aksyon, maaari kang gumawa ng mga external na hakbang sa pamamagitan ng pagsusumite ng kahilingan sa Dongguan No. 2 People's Court (Tel: 0769-89889888) para sa panghudikaturang hurisdiksyon, o sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa samahang panregulatoryo ng industriya o mga lupong panregulatoryo ng gobyerno.

Copyright ©2016-kasalukuyan vivo Mobile Communication Co., Ltd. Nakalaan ang Lahat ng Karapatan.
Nakarehistrong address: No. 168, Jinghai East Road, Chang'an Town, Dongguan City, Guangdong Province, People's Republic of China
Huling na-update noong: Nobyembre 9, 2020