Kasunduan sa Serbisyo sa User ng EasyShare
Minamahal na User,
Ang EasyShare (mula rito ay babanggitin bilang "ang Serbisyong ito") ay pinapatakbo ng vivo Mobile Communication Co., Ltd. at ng mga subsidiary nito sa buong mundo (mula rito ay babanggitin bilang "vivo", "kami", "namin", o "amin"). Ang Kasunduan sa Serbisyo ng User na ito ay isang maipapatupad na legal na kasunduan sa pagitan mo (ang User) at ng vivo Mobile Communication Co., Ltd. at ang mga nililisensyahan nito.
Sa pamamagitan ng Kasunduang ito, mauunawaan mo kung paano ibinibigay sa iyo ng vivo ang Serbisyong ito, ang mga panuntunang dapat mong sundin kapag ginagamit ang Serbisyong ito, ang mga pahayag ng vivo tungkol sa pagbibigay ng Serbisyong ito at mga nauugnay na serbisyo, at iba pang mahalagang impormasyon. Pakibasa nang maigi ang Kasunduang ito at bigyan ng espesyal na pansin ang disclaimer at mga tuntunin sa hurisdiksyon sa mga reklamo at pangongolekta ng impormasyon. Para ma-access at magamit ang Serbisyong ito, ikaw dapat ay 18 taong gulang o naabot na ang edad ng karamiha sa iyong rehiyon. Kung wala ka pang 18 taong gulang, kailangan mong hingin ang pahintulot ng iyong magulang o legal na tagapangalaga para magamit ang Serbisyong ito. Kasama dapat ng mga menor de edad ang kanilang legal na tagapangalaga habang binabasa ang Kasunduang ito. Sa pamamagitan ng pagpiling i-download at i-install ang software at gamitin ang Serbisyong ito, tinatanggap mo ang lahat ng tuntunin ng Kasunduang ito at sumasang-ayong legal na mapailalim sa kasunduan kasama ang vivo.
1. Tungkol sa Serbisyong ito
Ang Serbisyong ito ay idinisenyo para magbigay ng mga function gaya ng pag-tansfer ng file sa mga device, Pag-clone ng Telepono, pag-back up ng data, at Smart na Pag-mirror para mabilis na matugunan ang iyong mga kinakailangan para sa pag-transfer ng content at pag-mirror ng screen. Kasama sa mga pangunahing function nito ang:
(1) Mga setting ng personal na impormasyon: Puwede mong itakda ang iyong palayaw at larawan sa profile para sa paggamit sa Serbisyong ito.
(2) Pag-transfer ng file: Puwede mong gamitin ang Serbisyong ito para mag-set up ng koneksyon sa isa pang device at tumanggap/magpadala ng mga contact, mensaheng SMS, log ng tawag, kalendaryo, app, note, larawan, musika, video, recording, setting, at iba pang content na sinusuportahan ng Serbisyong ito (na sama-samang tinatawag na "content ng user") mula/patungo sa ibang device nang harapan.
Tala: Ang iOS na bersyon ng Serbisyong ito ay sumusuporta lang sa pag-transfer ng mga contact, larawan, video, at musika.
(3) Pagbabahagi sa Web: Puwede mong gamitin ang Serbisyong ito para makakonekta sa web page ng iyong computer, na magbibigay-daan sa iyong mabilis na makapag-transfer ng mga file sa iyong telepono at computer.
(4) Pag-clone ng Telepono: Puwede mong sundin ang mga tagubilin sa page ng serbisyo para piliin ang lumang telepono para sa pagpapadala ng data at ang bagong telepono para sa pagtanggap ng data kung kinakailangan at ikonekta ang mga device, para madaling ma-migrate ang data kapag nagpapalit ka ng telepono.
(5) Pag-back up ng data: Sa pamamagitan ng pagkonekta sa iyong computer, maba-back up at mase-save mo ang data sa iyong telepono patungo sa computer mo, o mare-restore mo ang data sa telepono mo anumang oras. Kasama sa sinusuportahang data ang mga contact, SMS message, log ng tawag, kalendaryo, app, note, larawan, musika, video, recording, at setting.
(6) Smart na Pag-mirror: Puwede mong gamitin ang Serbisyong ito para i-mirror ang screen ng iyong device sa PC o TV nang real time.
(7) Multi Screen: Puwede mong gamitin ang Serbisyong ito para makipag-ugnayan sa ibang device (gaya ng mga computer at telepono) sa pamamagitan ng pag-transfer ng file, pag-download, pagpapakita ng notification, pagbukas at pag-edit ng mga file, pagsagot ng mga tawag, at iba pang function.
(8) Ang partikular na suporta o mga bagong function ay iba-iba depende sa bersyon ng iyong software. Para sa mga tanong, makipag-ugnayan sa aming serbisyo sa customer.
(9) Kung pipiliin mong gumamit ng third-party na serbisyo sa pamamagitan ng Serbisyong ito, pakibasa ang nauugnay na kasunduan ng third-party provider bago gamitin ang serbisyo. Sakaling magkaroon ng anumang hindi pagkakasundo mula sa paggamit mo ng third-party na serbisyo, dapat kang makipag-ugnayan mismo sa third-party na service provider para sa pag-aareglo.
2. Lisensya ng software
1) Pagkakaloob ng lisensya: bibigyan ka ng vivo ng limitado, hindi eksklusibo, at hindi maililipat na lisensya para magamit ang software na ito at ang mga nauugnay na dokumento alinsunod sa mga tuntuning nakapailalim dito, pero wala kang karapatang i-sublicense ito.
2) Mga paghihigpit sa lisensya:
a) Puwede mong i-download, i-install, at gamitin ang software na ito para sa layuning hindi komersyal sa iisang mobile device. Maliban kung hayagang pinapahintulutan ng vivo o kung hayagang ipinagbabawal ng mga naaangkop na batas ang mga paghihigpit na nakapaloob dito, hindi mo puwedeng gawin ang sumusunod: (i) payagan ang iba pang indibidwal na gamitin ang software na ito; (ii) baguhin, i-translate, i-reverse engineer, i-decompile, o i-disassemble ang software/dokumentasyong ito, o gumawa ng mga hangong obra batay sa software/dokumentasyong ito; (iii) i-reproduce ang software/dokumentasyong ito (hindi pinapayagan ang pag-back up para sa pagseserbisyo/pagpapalit, pero hindi dapat ito i-install o gamitin sa anumang computer at dapat itong kaagad na i-delete/itapon sa oras na matapos ang serbisyo/pagpapalit. Ang anupamang pag-back up ng software na ito ay ipagpapalagay na paglabag sa Kasunduang ito.); (iv) pagrenta, paglipat, o pag-sublicense ng software/dokumentasyong ito, o pagtatalaga ng iyong mga karapatan sa software/dokumentasyong ito sa ibang tao; (v) pagtanggal ng anumang deklarasyon o label ng pagmamay-ari ng software/dokumentasyong ito; o (vi) pagdaragdag ng iba pang software sa software na ito o pagsama ng iba pang software sa operating system/software na ito.
b) Sumasang-ayon kang gamitin ang software/dokumentasyong ito bilang pagsunod lang sa mga nauugnay na batas.
c) Hindi mo dapat gamitin ang Serbisyong ito para sa anumang ilegal na layunin, subukang mag-scan ng mga vulnerability sa Serbisyong ito nang walang awtorisasyon, o magsagawa ng anumang aksyong makakagambala sa normal na serbisyo ng pagmemensahe sa network (gaya ng paggambala sa normal na pagtakbo ng Serbisyong ito at sadyang pagpapasa ng mga virus).
3. Pahayag sa intelektuwal na pag-aari
Ang pagmamay-ari at intelektuwal na pag-aari ng software/dokumentasyong ito ay hawak ng vivo (pati ng lahat ng nauugnay na supplier/licensor). Ang pagmamay-ari at intellectual property ng content na ina-access mo sa pamamagitan ng software na ito (kasama ang content sa mga media presentation file ng software na ito) ay napapailalim pa rin sa kaukulang may-ari ng content at pinoprotektahan ito ng mga nauugnay na copyright o iba pang naaangkop na batas. Ang lisensyang ito ay hindi nagkakaloob sa iyo ng anumang karapatan sa nasabing content.
4. Tungkol sa pag-install at pag-upgrade ng software
Dapat mong i-download at i-install ang software na ito mula sa isang itinalagang store o opisyal na channel ng vivo. Para maprotektahan ka laban sa anumang virus o malware, huwag itong i-download mula sa hindi opisyal na website. Dapat ka ring pumili ng bersyon ng software na compatible sa modelo ng iyong device o ikaw mismo ang mag-update sa bersyon. Pananagutan mo ang anumang isyung nauugnay sa paggamit ng software, supporta sa pagpapatakbo, at pag-link ng device dahil sa hindi pagiging compatible ng bersyon ng software at modelo ng iyong device.
Maaaring magkaroon ng traffic o singil sa data sa pag-download at pag-update ng software (depende sa iyong carrier) at ikaw mismo ang magbabayad.
5. Mga pinagkakaabalahan at garantiya ng user
Alinsunod sa Kasunduang ito, maaari mong gamitin ang Serbisyong ito para itakda ang iyong larawan sa profile at palayaw, i-transmit ang mga file at data, at i-mirror ang iyong screen. Gayunpaman, pinapatunayan mong gagamitin mo ang Serbisyong ito alinsunod sa mga batas at regulasyon at hindi mo gagamitin ang Serbisyong ito (sa pamamagitan ng mga custom na setting o EasyShare) para ipamahagi ang anumang impormasyong lumalabag sa mga batas, regulasyon, at patakaran ng bansa. Kasama sa nasabing impormasyon ang, pero hindi limitado sa:
(a)impormasyong lumalabag sa mga pangunahing prinsipyong nakapaloob sa saligang batas;
(b) impormasyon naglalagay sa panganib sa seguridad at pagkakaisa ng bansa, nagsisiwalat sa mga lihim ng estado, o nag-uudyok ng subersyon;
(c) impormasyong nakakaapekto sa dangal at kapakanan ng bansa;
(d) impormasyong nag-uudyok ng pagkapoot sa grupong etniko o diskriminasyon o nakakaapekto sa pagkakaisa ng etnikong pangkat;
(e) impormasyong nakakasira sa mga patakaran sa relihiyon ng bansa o nagpapakalat ng pangkulto at pyudal na pamahiin;
(f) impormasyong nagpapakalat ng sabi-sabi, nakakaapekto sa kaayusan ng lipunan, o nakakaapekto sa social stability;
(g) impormasyong nagpapakalat ng kabastusan, pornograpiya, pagsusugal, karahasan, pagpatay, terorismo, o krimen;
(h) impormasyong nang-iinsulto o naninirang-puri o lumalabag sa mga lehitimong karapatan at interes ng ibang tao;
(i) impormasyong lumalabag sa mga lehitimong karapatan ng ibang tao gaya ng mga karapatan sa intelektuwal na pag-aari at trade secret;
(j) anumang impormasyon na maaaring walang mabuting hangarin, nakakaapekto sa kaayusan ng lipunan, o sa mabuting kaugalian, o anumang impormasyong ipinagbabawal ng mga batas at regulasyon.
Ang anumang kahihinatnang magiging sanhi ng paglabag mo sa probisyong ito, kasama ang, pero hindi limitado sa, mga legal na pananagutan at bayad pinsala sa napinsalang tao, ay responsibilidad mo mismo.
6. Disclaimer at limitasyon ng pananagutan
Ang Serbisyong ito ay para lang sa personal mong paggamit at hindi dapat ito ipagkaloob sa anumang third party. Ang software, dokumentasyon, at content na ito ay ipinagkakaloob nang "walang pagbabago". Hindi nagbibigay ang vivo ng anumang representasyon o garantiya, tahasan man o ipinapahiwatig, kasama ang, pero hindi limitado sa mga representasyon at garantiya tungkol sa merchantability at pagiging naaangkop ng mga espesyal na layunin ng produkto, pati na iyong tungkol sa mga sumusunod na pagkakataon:
1) tutugunan ng Serbisyong ito ang mga partikular na pangangailangan mo; 2) ang Serbisyong ito ay ipagkakaloob nang tuloy-tuloy, napapanahon, at sa ligtas na paraan nang walang anumang palya; 3) ang lahat ng impormasyong makukuha mo sa paggamit ng Serbisyong ito ay tama o maaasahan; 4) ang anumang pagpalya o pagkakamali bilang bahagi ng Serbisyong ito ay aayusin.
Hindi mananagot ang vivo sa anumang pagkakamali o ilegal/hindi tumutupad na paggamit ng anumang serbisyo, performance, o functionality na ipinagkakaloob ng vivo. Dapat mong sundin ang lahat ng ipinapatupad na batas kapag ginamit ang anumang performance, functionality, o serbisyong ipinagkakaloob ng vivo.
7. Pagsuspinde o terminasyon ng Kasunduang ito
Ang Kasunduang ito ay maaaring suspindehin o wakasan sa mga sumusunod na pagkakataon:
(a) Hihilingin mong wakasan ang Serbisyong ito at i-uninstall ang software;
(b) Lalabag ka o makatuwirang papaniwalaan ng vivo na lumabag ka o pinaghihinalaan kang lumabag sa mga inaatas ng mga batas at regulasyon o anumang content gaya ng nakasaad sa Kasunduang ito, kasama ang mga paghihigpit sa lisensya, iyong mga pinagkakaabalahan at garantiya, atbp.;
(c) Sususpindehin o wawakasan ng vivo ang Serbisyong ito gaya ng inaatas ng mga batas at regulasyon o ng mga nauugnay na opisyal ng bansa;
(d) Magkakaroon ng hindi kontroladong pangyayari (force majeure event) o hindi inaasahang teknikal na isyu (kasama ang, pero hindi limitado sa mga cyberattack, pagpalya ng network, pagpasok ng virus, o iba pang insidenteng nakakaapekto sa normal na paggana ng internet);
(e) Dapat suspindehin o wakasan ang Serbisyong ito dahil sa ibang pagkakataon gaya ng inaatas ng mga batas at regulasyon, o hindi mapipigilang sanhi o realignment sa negosyo ng vivo.
Sakaling mangyari ang alinman sa mga pangyayaring nabanggit sa itaas,
(a) may karapatan ang vivo na suspindehin o wakasan ang lisensyang ipinagkaloob sa iyo, o gumawa ng iba pang paghihigpit alinsunod sa Kasunduang ito;
(b) ang anumang probisyon sa Kasunduang ito na tahasan o likas na hindi masasaklaw ng terminasyon ng Kasunduang ito ay patuloy na magkakaroon ng bisa matapos ang terminasyon nito hanggang sa matugunan o mag-expire ito.
8. Mga naaangkop na batas at nangangasiwang tuntunin
Maliban kung iba ang nakasaad sa mga batas sa iyong lokasyon, ang Kasunduang ito ay pangangasiwaan ng at ipapahiwatig alinsunod sa mga batas ng People's Republic of China, nang walang pagtatangi sa mga prinsipyo ng salungatan sa batas. Sumasang-ayon kayo sa hurisdiksyon at lugar sa Dongguan No. 2 People's Court, at isinusuko ninyo ang anumang pagtutol sa naturang hurisdiksyon o lugar. Kung mapagpapasyahan ng People's Court na ang anumang probisyon o anumang bahagi ng mga probisyon sa Kasunduang ito ay hindi maipapatupad sa anumang dahilan, ang mga natitirang probisyon ay mananatiling may bisa at ipinapatupad.
9. Mga Update sa Kasunduan
Magkakaroon ng bisa ang Kasunduang ito simula sa petsa ng paglabas o pag-update nito. Ang vivo at lahat ng user na nag-enable at gumamit ang Serbisyong ito ay mapapailalim sa Kasunduang ito.
May karapatan ang vivo na baguhin ang mga tuntunin ng serbisyo (kasama ang pagbago, pagdaragdag, o pag-delete ng mga nauugnay na tuntunin) nang pana-panahon batay sa mga kondisyon nito sa pagpapatakbo, merkado, at iba pang salik. Sa oras na mabago ang mga tuntunin ng serbisyo, ia-update at ipapakita ng vivo ang na-update na bersyon sa mga nauugnay na page. Kung hindi ka sang-ayon sa mga pagbabago sa mga tuntunin, puwede mo nang ihinto ang paggamit sa Serbisyong ito. Sa pamamagitan ng patuloy na paggamit sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng vivo, tinatanggap mo ang lahat ng pagbabago sa mga tuntunin.
10. Paano makikipag-ugnayan sa amin
Kung mayroon kang anumang tanong, komento, o suhestyon, tumawag sa aming customer service hotline sa 400-678-9688, o pumunta sa https://www.vivo.com para makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng mga online service agent namin.
11. Mga pangkalahatang tuntunin
(1) Ang lahat ng heading sa Kasunduang ito ay nakalaan lang para sa pagkakumbinyente at madaling sanggunian at walang epekto sa pagpapahiwatig ng anumang probisyon sa Kasunduang ito.
(2) Kung ang anumang probisyon sa Kasunduang ito ay ituturing na ganap o hindi ganap na hindi valid o hindi maipapatupad sa anumang dahilan, ang mga natitirang probisyong nakapaloob dito ay mananatiling valid at may bisa.
(3) Walang content na nakapaloob dito ang ipagpapalagay o ipahihiwatig na pakikipagsosyo o pakikipag-ugnayan sa ahensya sa pagitan mo at ng vivo.
(4) May karapatan ang vivo na ipahiwatig ang mga probisyon sa Kasunduang ito sa saklaw na pinapayagan ng mga batas at regulasyon.
Copyright ©2016-kasalukuyan vivo Mobile Communication Co., Ltd. Nakalaan ang Lahat ng Karapatan.
Nakarehistrong address: No. 168, Jinghai East Road, Chang'an Town, Dongguan City, Guangdong Province, People's Republic of China
Huling na-update noong: Nobyembre 9, 2020